Sunday, December 30, 2012

Leaving it all behind with 2012.

Leaving it all behind with 2012.

2012 was a crazy year. First I stopped schooling and decided to get a job to earn money for my education. Then ever since I left school everyone is still trying to affiliate me with HIM. At first it was ok because since me and HIM were so close before, it didn’t bother me. But it went out of hand. Even though i tell them that I don’t like HIM anymore, everybody is still connecting my name to HIM.
I remembered sometime in November, when a friend of mine sang I Wont Give Up of Jason Mraz, I cried. I cried hard. Even though we were inside a bar, I cried Because I really loved HIM. I gave everything to him, put all my efforts in everything for HIM. I went out of my way just to please HIM. Sacrificed everything for HIM. 
I’m not regretting the decisions that I’ve made, because every single one of them were the happiest moment in my life. Just being with him made me happy enough. Even though we were supposed to meet at 2 and he came at 7 I didn’t care. As long as he was with me. 
Earlier, I read this post http://houseofsoul.tumblr.com/post/27882394126/my-definition-of-letting-go-to-me-letting-go
My Definition of “Letting Go.”
To me, letting go isn’t accomplished by forgetting. It’s not fulfilled by not to thinking about her, or ignoring her. It doesn’t involve leaving the relationship with feelings of anger, jealousy, or regret. Letting go isn’t me winning, and her losing. It’s not about protecting my pride, or destroying hers. My interpretation of “letting go” is not about how we appear, and it’s not obsessing or dwelling on the past. Letting go isn’t forcefully erasing memories or thinking sad thoughts, and doesn’t leave emptiness, hurt, or sadness. It’s not giving in to her, or giving up on her.
To me, the process of “letting go” involves cherishing memories. To let go, one must overcome and move on. It’s having an open mind and the utmost confidence in the future. It’s the acceptance of what has been done. It’s about the experienced and learning gained during the relationship. It’s about being thankful for how your significant other improved you.“Letting go” involves strength, acceptance, and an open mind for the future.
But yeah, that’s my interpretation of “letting go.”
It inspired me. It gave me strength to leave the memories of HIM in 2012 and start clean in 2013. :)
thank you for reading, have a happy new year and a happy new you!\


Sunday, October 7, 2012

kinse?


11:45 ng tanghali, nakaupo ako sa may bintana, Nakatulala sa labas, pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan, panakikinggan ang ingay at kasabay nito ang pagsipol ng takureng nakasalang sa stove. biglaang nagring ang cellphone ko, tinatawagan na ko ng mga kaibigan ko. tinatanung kung nasaan na daw ako.

"Nasaan ka na?? andito na kame sa coffee bean, pumunta ka na dito, ikaw na lang kulang!"

"saglit ha?!?! taeng tae? maliligo pa ko."

"eh anu pa ba? sanay naman kame sa pagiging late mo! sige na bilisan mo!!"

nakalimutan ko reunion nga pala namin. pumasok ako sa kwarto at nahiga,napaisip kung ano nga bang merong sya at hindi ko sya makalimutan. 
pagdating ko sa town binigyan ako ng mga kaibigan ko ng isang masigabong 
palakpakan.

"tangina!! himala dumating ka ng 30 mins lang pagkatawag ko sayo."ang sabi ni pat
pagkatapos ng pag bebeso sakanilalng lahat umorder na ko at umupo sa tabi nila. 

Tawanan, kwentuhan, bukuhan ng mga pangyayari nung nakalipas at panunukso nila sakin at kay kenneth na nakarelasyon ko dati ang mga nangyari.
biglang tumunog yung phone ko, nagtext si tyrone, ang bestfriend ko na gusto ko.

"nasaan ka?" ang tanung nya

"nasa town, coffee bean, kasama ko mga hs friends ko."

"ah ganun ba? ok!"

"bakit nasan ka ba?"

"town din kasama ko sila jane kanina, eh umuwe na sila."

"punta ka dito"

malipas ang kinse minutos bago sya nagreply.

"punta ka dito sa may bodyshop nahihiya ako eh."

nagpaalam ako saglit sa mga kaibigan ko at pinuntahan si tyrone.

"para kang tanga, bat andito ka? tara na! gusto mo sinusundo ka pa!! anu ka chix?" ang pabiro kong sabi sa kanya

"di na sige balik ka na dun, mukhang masaya ka naman dun eh."

medyo nagpantig yung tenga ko dahil medyo pabalang yung pagtugon nya sakin. tumaas ang kilay ko at sinabi ko sakanya na "dyan ka lang. hintayin mo ko!" ng pagalit.

bumalik ako sa mga kaibigan ko at nagpaalam.

"tangina mo ngayun ka nga lang nagpakita samin, ikaw pa yung dinayo namin sa alabang tapos lalayasan mo kame kagad! parang gago to!"

"sorry sobrang babawi ako. kita tayo, mamaya sagot ko na! inum tayo!"
nagiwan ako ng pangako sa kanila ng hindi ko alam kung makakasunod ako. 

binalikan ko si tyrone at nakataas pa din ang kilay ko.

"oh bat dala mo na yung gamet mo?"

"halika na nga! ang dami mong satsat eh!"

hinila ko sya ng malakas sabay binitawan, naglakad ako paakyat ng escalator at sumunod lang sya. pumasok kame sa soma isang bar sa town. pagdating namin dun umupo at hiningi ang menu, at umorder ng isang bucket ng red horse. padating ng beer nagbukas ako ng sakin at pinagbuksan ko din naman sya. wala pang tatlong minuto naubos ko ang isang bote at nagbukas ng panibago.

makalipas ang bente minutos hindi pa din kame naguusap. takang taka sya kung anung nagyayare. naglakas loob si chi na mag tanong.

"anung problema?" malumanay nyang pagtanung sakin.

"huh?? anung problema? ako? wala ah! ako pa ba?" ang pa sarcastic kong sagot sakanya.

"eh bat ganyan ka? ?"

"wala." ang sagot ko sakanya sabay bugtong hininga.

lumipas muli ang sampung minuto ng di paguusap naka apat na akong beer at sya nama'y nasa panglawa pa lang nya.

"sorry na, kung ako man yung may kasalanan ng pagkainit ng ulo mo." ang sabi nya habang papalapit sakin.

"minsan ko lang silang makita. umalis ako sakanila kase wala kang kasama. ayaw mo namang sumama samin. ngayon magkasama na tayo umiinom, arent you happy enough??" ang galit kong tugon sakanya,

"eh sabi ko naman sayo diba na bumalik ka na dun?" ang halos pasigaw nyang pag sagot sakin. 

"eh ano pa bang gagawin ko, eh nagaarte ka na ng di tama! ty, hindi naman sa pagaarte ko ha, pero sino ba palagi mong tinatawagan pag iniwan ka na ng mga kaibigan mo? sino bang palaging andyan pag wala kang makasama? ako ba naisip mo na minsan pagniyayaya mo ako tapos pag may nakita kang ibang pedeng kasama iiwanan mo na lang ako sa ere? ni minsan ba naisip mo yung nararamdaman ko pagniyayaya kita tas hindi ka pede? naisip mo ba yun? wag ka sanang magalit sakin ha! pero ni minsan ba naisip mo yung nararmdaman ko? naisip mo ba na pag harap harapan kang lumalandi, eh nasasaktan ako? na sa bawat kantang kinakanta ko eh para sayo yun at hinihiling ko na sa twing kumakanta ka eh para sakin yung kinakanta mo. mahal pa din kita kaya lagi akong nanjan para sayo. ni kailan man hindi nawala yun."

tahimik lang kaming dalawa, inubos ko ang beer ko at nagpaalam sakanya. 

"alis na ko, bayad na yan wag kang magaalala."

lumabas ako ng soma ng sobrang sama ang loob at halos paiyak na. habang naglalakad nagiisip ako kung saan ako pupunta. ayokong bumalik sa mga kaibigan ko ng ganitong kasama ang loob ko. ayokong makita nilang sobrang depressed ako.

lumabas ako ng town at sumakay pauwe. bumaba ng northgate at pumunta ng 711 para bumili ng kalahating case ng beer. pagkabili ko pumunta ako sa rooftop ng condo na tinutuluyan ko.

napaupo ako sa sulok ng rooftop. pagkabukas ko ng beer, napaluha ako. inisip ko kung tama ba yung ginawa ko kay tyrone. nilunok ko na yung pride ko para masabi ko sakanyang mahal ko padin sya. sa sobrang pagkalungkot ko naubos ko yung beer ng 20 seconds. halos maduwal ako sa ginawa kong yun. walang tigil ang pagluha ko. naisipang kong itext si alie, ang isa ko pang bestfriend na nakatira sa condong yon.

"alie, rooftop now na." ang text ko sakanya.

sa simpleng text na yun agad agad na sumugod si alie sa rooftop. pagkalabas na pagkalabas ni alie sa pinto ay sumigaw kagad sya.

"anong problema??? may dala ka bang alak dyan?"

hinila ko ang case ng beer na sinasandalan ko upang makita ito ni alie. sanay na si alie sa akin na pag tinetext ko sya na nasa rooftop ako eh may problema ako kay tyrone. kaya ganun na lang ang pagbungad nya sa akin.

tumayo ako sa dulo ng rooftop at sumigaw "putangina mo! ang gago mo masyado. hindi ka marunong makiramdam, napaka insensitive mo!!"

"sabi ko naman sayo na tigilan mo na yung pagkabaliw mo kay ty. wala kang mararating nyan! tatlong taon ka ng umaasa sakanya. kelan mo ba isusuksuk sa kokote mo na kaibigan lang turing nya sayo??" ang pangaral sakin ni alie.

"hindi ko alam kelan. ayoko ko na. lumalayo na ko pero parang siya yung lumamalapit para lang saktan ako."

"para kang tanga. alam mo napapagod na ko magtatatalak sayo. paulet ulet na lang. puta!!! nasa chapter 20 na ko ikaw nasa chapter 1 padin. nakakaloka ka! tama na!" ang pagalit na sinabi ni alie.

at kahit ganun si alie magsalita sakin si alie alam kong nagaalala sya sakin. 
kwinento ko kay alie yung nangyari kanina, dinamayan lang ako ni alie habang nainom ng beer. pilit iniiba ni alie ang kwentuhan namin, pero makulet ako nagagawa ko padin idugtong si tyrone sa usapan. 4 nalang ang natirang beer ng magtagumpay siya sa pagbaling nya sa kwento ko. pababa na ang araw nang maubos namin ang mga iniinom namin. pumunta kame sa unit nya para magpahinga.
ginigising ako ni alie dahil paulet ulet nagriring ang cellphone ko. di ko sya pinapansin. kinuha nya ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. sinabi nya sakin na si tyrone ang tumatawag. kinuha ko sa kanya ang cellphone ko at pinatay ang tawag. nakita ko na meron akong 20 missed calls at puros si tyrone ito. meron din akong 30 messages at nanggaling ito kay tyrone. matapos kong makita yun pinatay ko na ang cellphone ko at tinanggal ang battery nito at natulog ule.

naalimpungatan ako at napatingin sa orasan. alas nwebe na pala ng gabi. wala na si alie sa kama. lumabas ako at hinanap sya. nakita ko sya sa may sala niya at nagkakape. 

"tumawag sakin si ty, tinatanung kung kasama kita." ang bungad nya sakin.

"anung sabi mo?"

"sabi ko oo, sabi ko natutulog ka. tas sabi nya pupunta daw sya dito. sabi ko wag muna. hayaan ka muna nyang magisip."

napangiti ako kay alie at sinabi ko sakanya na "GOOOOOOOOOOOOOD!" sabay kameng tumawa ng malakas.

kinuha ko ang cellphone ko at binalik ang baterya nito. pagkabukas na pagkabukas ko walang humpay ang pagdating ng mga mensahe. kinansel ko ito at tinawagan ko sila pat. 

"hoy ha! putangina! nakatulog ako sorry! nasaan kayo?" ang pabiro kong sabi sa phone.

"tangina ka kanina ka pa namin tinatawagan nakapatay phone mo. nasa le souk kame 2nd floor. punta ka na walang magbabayad eh. ahhahah"

"mga pakyu talaga kayo! kung wala lang akong kasalanan sainyo indi ko na kayo sisiputin e. sige na maliligo na ko!"

naligo ako at sinama ko si alie sa le souk. pinakilala ko sya sa apat kong kaibigan nung high school. at muli nagumpisa ang tuksuhan samin ni kenneth.

"Domeng, paano na si kenneth?? eh may alie ka na!" ang patuksong sabi sa akin ni lala.

"gago! si alie confidant ko yan. yan lagi ang taga salo ng mga pagtatalak ko pag may problema ako. walng meron samin. kahit halikan ko pa si kenneth eh. hahahha" at pabiro akong lumapit kay kenneth.

tuloy ang ang kwentuhan, dramahan at pag aalala sa mga kagaguhan namin nung highschool pa kame. at syempre patuloy pa din ako sa pagharot kay kenneth para lang makalimutan ko si ty. sobrang ingay namin kahit anim lang kame. walang humapay na kasiyahan ang nararamdaman ko noon dahil kasama ko sila at nakalimutan ko ang mga nangyari kanina.

patuloy kameng umiinom, paglingon ko sa may hagdan nakita ko sila darlene na paakyat. sumigaw ako at sinalubong ko sila dahil matagal ko din silang hindi nakita. kasama nya ang boyfriend nya at mga tropa nito. at sa pinakadulo nila nakita ko si ty kasama din nila. 

bumagsak ang kasiyahan sa katawan ko. tila bang binagsakan ako ng langit at lupa. syempre para walang makahalata niyakap ko din sya at kinamusta na parang wala lang. 

pinakilala ko ang grupo ni darlene sa mga high school friends ko at pagkatapos nun ay humiwalay na sila sa amin at pumunta sa kabilang table na kaharap ko. pagkaupo ko, kitang kita ko si ty na nakatingin sa akin. binaling kong muli ang atensyon ko sa mga kaibigan ko, kunware ay sobrang saya ko, patuloy ko sa paglandi kay kenneth kahit sobrang alam ko sa sarili ko na sinasaktan ko lang ang aking sarili.

tinext ako ni tyrone, 

"dom, pede ba tayong magusap? please parang awa mo na!"

"tungkol sa?" ang malamig kong pagsagot sa kanya"

"sa nangyari kanina.. tsaka tungkol sa atin.."

"pabayaan mo na yung kanina, gawin mo na lang yung palagi mong ginagawa pag 
nagaaway tayo. yung kunware walang nangyari the next day. tsaka anung meron sa atin? wala namang tayo diba? nilinaw mo na dati yun sakin at ngayon nauntog na ko." ang reply ko sakanya sabay yakap kay kenneth.

lumapit si tyrone sa table namin at tinignan lang ako. tumayo si alie at pilit na pinababalik si ty sa upuan nila. halos maluha na si ty ng tumayo ako at hinila sya palabas ng bar. bumili ako ng yosi sa takatak at sinindihan iyon.

"sorry na." ang paluhaluhang pagmamakaawa sakin ni tyrone.

"ok na nga diba? ano pabang drinadrama mo jan?"

"alam ko sobrang nasaktan kita sa lahat ng ginawa ko sayo. pero sana alam mo din na mas nasasaktan ako pag nakikita kitang nasasaktan!"
humalakhak ako ng ng malakas, "tangina!!! nasasaktan ka din? ulul mo pakyu ka pala eh! eh kung nasasaktan ka edi sana hindi mo na ginagawa! gago mo din eh! logic mo ha pakiayos."

"tama na please!" sabay hawak nya sa akin "mahal na mahal din....."

naalimpungatan ako at narinig ko ang patuloy na pagsipol ng takure. tumingin ako sa orasan at alas dose na pala.

"Putanginang yan!!!!!!!!!!!! 15 mins ganun kahaba akong nakatulala? ganun kagad yung kwento?" 

nagkamot ako ng ulo sa kalokohang napanaginipan ko ng gising. nag ayos na ako at pinuntahan ang mga kaibigan ko.

the end.



i may change the scene before the ending just want to see your reactions. wishing its based on a true story! gusto ko ng away!! ahahha oh AND the title too/

Tuesday, May 22, 2012

COFFTEA DISCOUNT!!! :)


Inviting all bedans BEDANS in the vicinity of Paranaque, Las Pinas & Alabang come and try the latest coffee shop in town " COFFTEA" aside from having the best coffee rich with roots & herbs we also serve pasta, franks, excellent roast beef and many more. we are open from 10am to 2am. all bedans will be entitle to a 10% discount and a second round of coffee on the house. see you guys soon.

To current students of San Beda College Alabang or Mendiola just present your present ID and get your discount and a free coffee :)